^

Metro

Trader hulog sa exit ng condo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pagnanais na ma­takasan ang mga pulis na  kakausap sa kanya dahil sa reklamong pananakit, isang negosyante ang na­matay makaraang aksidenteng mahulog sa fire exit ng kanyang tinutulu­yang condominium sa Que­zon City.

Kinilala ni PO2 Julius Balbuena, ang biktima na si Edwin Pichay, 50, may-asawa ng Future Plaza II Condominium, no. 115 Mother Ignacia St., Brgy. South Triangle, Quezon City.

Ayon kay Balbuena, si Pichay ay natagpuan na lamang ng mga operatiba ng Police Station 10 at nag­rereklamong si Honnecel Pangusan habang walang buhay na naka­handusay sa may semento­ malapit sa kanyang tinu­tuluyan.

Bago ito, nagreklamo si Pangusan, sa PS-10 hingil sa umano’y pana­nakit ng biktima sa kanya dahilan para umaksyon ang mga pulis na sina PO2 Ladgerio Camacam, PO1 Michael Formento, at Julius Dela Cruz at mag­tungo sa bahay nito.

Habang kinakatok ng mga otoridad ang pinto ng bahay ni Pichay para sa isasagawang pagsisiyasat kaugnay sa reklamo ni Pangusan, nakarinig­ na lamang umano ang mga ito ng malakas na kalabog mula sa loob ng kuwarto ng biktima.

Sa puntong ito, nagpasya ang security guard ng condo at mga otoridad na tignan ang exit ng gusali kung saan nila nakita ang biktima na walang buhay na nakahandusay.

Posible umanong tatakasan ng suspek ang mga pulis kaya’t nagdaan ito sa fire escape at nahulog.

Nakuha naman ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang mga ebidensyang tulad ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, dalawang cellphone, isang laptop at cash na P6,000.

Lumabas din sa gina­wang examination sa bang­kay ng biktima na nagtamo ito ng matinding injury sa ulo at pagkabali sa kaliwang braso.

Patuloy ang pagsisiyasat ng otoridad sa nasabing insidente.

 

EDWIN PICHAY

FUTURE PLAZA

HONNECEL PANGUSAN

JULIUS BALBUENA

JULIUS DELA CRUZ

LADGERIO CAMACAM

MICHAEL FORMENTO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with