Libreng sakay sa Pasig River Ferry System, pinalawig
MANILA, Philippines - Pinalawig pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng isang linggo ang libreng sakay sa Pasig River Ferry System.
Nabatid na dapat kahapon araw ng Biyernes matatapos ang libreng sakay sa Pasig River Ferry Boat System, gayunman nagpasya ang MMDA na palawigin pa ito hanggang sa susunod na linggo.
Napag-alaman na bukod sa libreng sakay, magpapaÂtuloy din ang pamamahagi ng libreng kape at pandesal sa mga mananakay. Maaaring makasakay sa ferry ang mga commuter sa limang istasyon kabilang dito ang Pinagbuhatan Station sa Pasig City, Guadalupe Station sa Makati City, Santa Mesa Station, Escolta Station at IntraÂmuros Station sa Maynila.


Sakaling maging epektibo na ang pagpapataw ng pasahe sa mga mananakay, nasa P25 hanggang P50 ang bayad sa bawat biyahe.
- Latest