2 parak sibak sa ‘kotong’
MANILA, Philippines - Dalawang miyembro ng Quezon City Police District ang sinibak sa kanilang puwesto matapos na makumpirma ang tangkang pangongotong sa isang magkasintahan nitong Martes ng umaga sa lungsod.
Ayon kay Chief Supt. Richard Albano, director ng QCPD, bukod sa kinakaharap na dismissal, inalisan na rin umano niya ng tsapa, service firearm at police IDs ang mga pulis na sina PO1 Ronald Que Englis, 39; at Roland Roman Mansimbang, nakatalaga sa QCPD Station 11.
Dagdag ni Albano, pansamantalang ilalagak ang dalawang pulis sa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Unit sa Camp Karingal habang gumugulong ang imbestigasyon sa kaso ng mga ito.
Bukod dito, pinagre-report din anya niya ang isa pang pulis na isinaÂsangkot dito, subalit hindi pa ito nagpapakita sa kanyang mother unit.
Sila Englis at Mansimbang ay naharap sa kasong robbery-extortion matapos na ireklamo ng isang magkaÂsintahan sa tanggapan ng QCPD.
Nag-ugat ang reklamo makaraang sitahin ng dalawang pulis ang magkasintahan habang sakay ng isang kotse at nakaparada sa kahabaan ng 8th St., Brgy. New Manila, ganap na alas 9 nitong Martes ng gabi.
Dito ay sinabihan ng mga pulis ang lalaking biktima na bumaba ng kanyang kotse at hiningi ang lisensya nito, bago tinakot na kakasuhan ng public scandal na may multang P20,000.
Ayon pa sa mga biktima, tinakot pa umano sila ng dalawang pulis na baka malaman ng media at malagay sila sa dyaryo kung hindi sila magbabayad ng nasabing halaga.
Ilang sandali pa, isang sasakyan ng pulis ang dumating sakay ang apat na police officers kung saan daÂlawa sa mga ito ang pinilit ang lalaki na magwithdraw sa ATM para mapakawalan na sila.
Matapos ang ilang pag-uusap ay pumayag ang mga biktima na magpunta sila sa Gilmore Townhomes. Dito na nagpasya ang babae na tawagan si Chief Supt. Reuben Sindac, ang tagapagsalita ng Philippine National Police na kaibigan pala ng pamilya ng nobyo.
Nasa kalagitnaan pa ng negosasyon ay dumating si Sindac at pamilya ng magkasintahan sa lugar, saka inutusan ng heneral ang mga pulis kasama sina Englis at Mansimbang na magreport sa QCPD-CIDU, bago tinawagan si Albano para sa agaÂrang aksyon.
Sabi ni Albano, kaÂilangan niyang gawin ang paghihigpit upang hindi na tularan pa ang ganitong uri ng mga scalawag na police.
- Latest