^

Metro

Beybi itinapon sa ilog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Halos naaagnas na ang isang bagong silang na sanggol na lalaki nang matagpuang palutang-lutang sa Pasig River sa bahagi ng Sta. Ana Hospital, kamakalawa ng hapon.

Hindi pa umano tuluyang nagugupit ang pusod ng beybi na ibinalot sa lampin na hinihinalang itinapon lamang sa ilog matapos ipinanganak.

Sa ulat ni SPO1  Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section,  dakong alas-2:30 ng hapon nang mapansin ng isang Jonathan Muccio, ang nakalutang  sa ilog na inakalang manika lamang sa likod ng Unit 32 Euro Villa Village, Sta Ana, Manila.

Naiipit umano sa dalawang malaking bato ang beybi. Ipinagbigay-alam niya ito sa kaibigang si Joseph Cris Domingo, director ng Sta Ana Civic Development Association na siyang nagreport sa pulisya.

Namamaga na ang ka­tawan ng sanggol dahil sa matagal na pagkababad sa tubig. Ang sanggol ay kasa­lukuyang nakalagak sa Arch Michael funeral parlor para sa safekeeping.

vuukle comment

ANA HOSPITAL

ARCH MICHAEL

EURO VILLA VILLAGE

JONATHAN BAUTISTA

JONATHAN MUCCIO

JOSEPH CRIS DOMINGO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PASIG RIVER

STA ANA

STA ANA CIVIC DEVELOPMENT ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with