^

Metro

Truck ban mananatili; Truckers sinisisi sa economic sabotage

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang mga truckers ang responsable sa pagkakaroon ng economic sabotage.

Ito ang bi­nig­yang-diin ni Manila Vice Mayor Isko Moreno kasabay ng pahayag na  mananatili ang truck ban alin­sunod na rin sa Truck Ban Ordinance.

Idinagdag pa nito na napagbigyan na ang lahat ng hiling ng mga truck operator kabilang na ang idinagdag na oras ng kanilang pagbiyahe  mula alas-10 ng uma­ga hanggang alas-5 ng hapon.

 Sinabi ni Moreno na hindi sila nata­takot sa mga banta ng mga truckers  na truck holiday  dahil ang pagka­lugi sa ekonomiya ay sanhi ng “truck strike” at hindi ng truck ban.

Sa katunayan umano, bumuti  na ang sistema ng  trapiko sa Maynila kung saan nakiisa na rin ang  Philip­pine Ports Authorty (PPA) at Bureau of Customs.

Aniya, kailangan lamang ng konting sakri­pisyo ng mga motorista at maging ng mga commuters lalo na’t ginagawa ang  SKYWAY 3.

ANIYA

BUREAU OF CUSTOMS

IDINAGDAG

PORTS AUTHORTY

SHY

TRUCK BAN ORDINANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with