Presyo ng petrolyo, nakaambang tumaas
MANILA, Philippines - May nakaamba na naman umanong pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa pagpasok ng buwan ng Mayo.
Ayon sa ulat, tinatayang nasa 20 hanggang 40 sentimos ang itataas sa kada litro ng diesel habang nasa 10 hanggang 20 sentimos naman sa kada litro ng gasolina.
Maging sa presyo aniya ng kerosene ay tataas din ng 20 hanggang 40 sentimos sa kada litro at ang naturang oil price ay inaÂasahang ipatutupad ngayong linggo.
Ayon sa mga kompanya ng langis, ang pagtaas ng kanilang mga produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng halaga sa pandaigdigan pamilihan.
- Latest