Trader utas sa holdaper
MANILA, Philippines - Patay ang isang negosyante makaraang barilin ng isa sa apat na holdaper na nanloob sa pag-aari nitong grocery store sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Naisugod pa sa Nodado Hospital ngunit nalagutan din ng hininga dahil sa tama ng bala sa ulo ang biktimang si Artemio San Luiz, 50, ng Phase 7-B Brgy. Bagong Silang, ng naturang lungsod.
Sa ulat ng pulisya, naghahanda na para magsara ang biktima at ang helper nitong si Efren Batangas nang dumating ang tatlong salarin habang isa ang nagsilbing look-out.
Sapilitang kinukuha ng isa sa mga suspek ang kaha ng tindahan na may laman umanong P245,000 ngunit nakipag-agawan si San Luiz. Dito siya pinaputukan ng gunman saka mabilis na tinangay ang kaha.
Nagawang makatakas ng mga salarin lulan ng dalawang motorsiklo na hindi naplakahan.
- Latest