^

Metro

Dahil sa Obama visit unang araw ng operasyon ng Pasig River Boat System, naapektuhan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pagbisita sa bansa ni US  President Barack Obama, naapektuhan na rin kahapon ang unang araw ng operasyon ng Pasig River Ferry Boat System ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nabatid na sa halip na alas-6:00 ng umaga nagsimula na sana ang ope­rasyon hanggang alas-7:00 ng gabi, ito’y ginawa na lamang na half day o hanggang alas-12:00 ng tanghali dahil na rin sa ipinatutupad na restrictions sa ilang lugar­ dulot nang pagdating sa bansa ng Pangulo ng Estados Unidos.

Ngayong araw ng Martes na lang sisimulan ang full operation ng ferry boat system at magiging libre muna ang sakay ng mga mananakay  sa unang linggo ng operasyon. 

Sa susunod na linggo ay may bayad na ito kung saan  ipapatupad  ang P25 hanggang P50 pamasahe sa bawat sasakay sa ferry boats.

Napag-alaman na tatlo ang ruta ng limang maglalayag na ferry boat at ito ay mula Pinagbu­hatan sa Pasig City pa­tungong Guadalupe, Makati City, mula Guadalupe pa­tungong Escolta, Manila  at Guadalupe patungong Plaza Mexico via Polytechnic University of the Philippines (PUP) campus sa  Sta. Mesa, Manila.

Ayon pa sa MMDA, kayang isakay ng ferry boat ang 25 hanggang 30 katao.

Nabatid na  nang panahon ni dating MMDA Chairman Bayani Fernando, ang ferry boat system ay ipinatupad na ito at natigil lamang  nang mag-take-over ang Aquino Administration.

Subalit sa ngayon  mu­ling binuhay ng MMDA sa layuning mabigyan ng alternatibong transpor­tasyon ang publiko bunga na rin ng inaasahang pagsikip ng daloy ng trapiko sa Metro Manila sa sandaling magsabay-sabay na ang implementasyon ng mga infrastructure project sa Metro Manila.

Nabatid na katuwang ng MMDA sa naturang proyekto ang Department of Transportation and Com­munication (DOTC) at  Pasig River Rehabili­tation Commission (PRRC).

 

AQUINO ADMINISTRATION

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COM

ESTADOS UNIDOS

GUADALUPE

METRO MANILA

NABATID

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with