Sekyu utas sa 4 holdaper
MANILA, Philippines - Isang security guard ang patay makaraang pagbabarilin ng apat na holdaper nang tangkain ng una na harangin ang mga huli matapos holdapin ang isang sangay ng LBC sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.
Ayon kay PO3 Alvin Quisumbing, ang pamamaslang kay Rhom Dela Cruz, 34, ay nangyari sa panulukan ng Arayat at P. Bernardino St., Brgy. San Martin De Porres, Cubao, ganap na alas 8:51 ng umaga.
Nabatid na pinasok umano ng apat na suspek ang saÂngay ng LBC sa katabing hotel na binabantayan ng biktima.Nasaksihan umano ito ni Dela Cruz kung kaya rumesponde ito at tinangka harangin ang mga holdaper pero pinaulanan umano siya ng bala ng mga huli na agad niyang ikinamatay.
Patuloy ang pagsisiyasat ng otoridad sa nasabing insiÂdente.
- Latest