^

Metro

Isko ginawaran ng Doctorate Degree

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginawad ng  Board of Regents ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) kay Manila Vice Mayor Isko Moreno ang  Doctorate Degree for Community Development bunsod na  rin sa hindi matatawarang  achievements  at nagawa nito sa mga lungsod.

Hindi naman napigilan ni Moreno na maging emosyonal  kung saan sinabi nito na tinatanggap niya  ang conferment para sa mga napakaraming kabataan na hindi nabigyan ng oportunidad na mag-aral dahil sa kahirapan.

Kailangan lang aniya na nagsumikap at hindi kailangan na  maging dayuhan para mabigyan ng parangal na tulad nito.

“This is not just about me or my achievements but rather giving the thousands of Manilenos out there a glimpse of hope. Na ang isang dating basurero at side car boy ay pwede palang maging bise alkalde ng Maynila and can actually make a difference in someone else’s life,” ani Moreno.

Dagdag  pa ng bise alkalde na pangulo din ng Vice Ma­yors League of the Philippines na  mas pinagtutuunan niya ng pansin  ang makabubuti sa Maynila sa halip na  pansinin ang mga  bumabatikos sa kanya.

Ang conferment  ni  Moreno ay pinangunahan ni PLM President  Artemio Toquero at sinaksihan din ng misis nitong si Dynee Ditan-Domagoso.

 

vuukle comment

ARTEMIO TOQUERO

BOARD OF REGENTS

COMMUNITY DEVELOPMENT

DOCTORATE DEGREE

DYNEE DITAN-DOMAGOSO

LEAGUE OF THE PHILIPPINES

MAYNILA

MORENO

VICE MA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with