^

Metro

Sunog sumiklab sa Manila at Navotas

Ludy Bermudo at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 20 pamilya ang naapektuhan ng sunog sa isang apartment sa San Andres, Malate, Maynila, kahapon ng umaga.

Naideklarang fire-out ang sunog sa panulukan ng Linao  at Anakbayan Sts., San Andres, dakong alas-9:30 ng umaga na nagsimula alas-7:26 ng umaga.

Agad umanong itinaas sa Task Force Alpha ang nasabing sunog ilang minuto lamang ang nakaraan  dahil sa pawang yari sa light materials ang nasabing apartment kung kaya mabilis ang pagkalat ng apoy.

Sa inisyal na ulat ng Manila Fire Bureau, unang nagsiklab ang apoy sa bahay ng isang Kagawad Erlinda Salonga at mabilis na kumalat sa mga unit. 

Tinatayang nasa P3-milyon ang napinsalang ari-arian bagamat walang nasaktan o nasugatan.

Inaalam pa ng Arson Investigation ang sanhi ng apoy.

Samantala, isa ring sunog ang sumiklab sa Navotas City, kamakalawa ng hapon kung saan  30 kabahayan ang natupok ng apoy. 

Ayon sa inisyal na ulat ng Navotas City Fire Department ala-1:30 ng hapon nang sumiklab ang apoy sa isang squatters area sa M. Naval St., ng naturang siyudad. Dahil dikit-dikit ang mga bahay na yari lamang sa light materials kung kaya’t mabilis din na kumalat ang apoy hanggang sa umabot ito sa mga kabahayang nasa Lapu-Lapu St.

Nabatid kay Fire Senior  Insp. Ian Manalo, deputy fire marshall ng Navotas City Fire Department, wala namang  na­sugatan o namatay sa insidente. Iniimbestigahan pa   ng mga awtoridad  ang pinagmulan ng sunog at inaalam pa rin kung magkanong halaga ng mga ari-arian ang naabo.

Nabatid, na umabot lamang sa ikatlong alarma ang insi­dente at alas-2:17 ng hapon nang ideklara ng mga awtoridad na kontrolado na ang sunog.

 

ANAKBAYAN STS

ARSON INVESTIGATION

FIRE SENIOR

IAN MANALO

KAGAWAD ERLINDA SALONGA

LAPU-LAPU ST.

NAVOTAS CITY FIRE DEPARTMENT

SAN ANDRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with