^

Metro

Mag-utol tiklo sa pagpatay sa trader

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Huli ng pinagsanib na puwersa ng San Juan City police at Las Piñas PNP ang magkapatid na  suspek na sinasabing responsable sa pagbaril at pagpatay sa isang negosyante na misis ng isa sa mga ito sa San Juan City at itinapon ang bangkay  sa lalawigan ng Laguna.

Nabatid kay  P/Sr. Supt. Joselito Daniels, hepe ng San Juan PNP, unang nadakip ng kanyang mga tauhan si Angelito dela Cruz, 32, sa  Ipil St., Manila Doctor’s Subdivision, Las Piñas City noong Miyerkules ng umaga (April 23, 2014).

Kahapon ng hapon sa  follow up operation ay sumunod namang nadakma ang umano’y principal suspek na si Billy Dela Cruz, 37, sa   Love St., Camella Homes, Brgy. Pilar sa Las Piñas.

Ang dalawa ay siyang sinasabing responsable sa pagpatay sa biktimang si Gemma Cruz, 29, negos­yante, na sinasabing asaw­a ng isa sa suspect na si Billy, ng San Juan City na ang bangkay ay  itinapon sa Brgy. Sabang, Magdalena, sa lalawigan ng Laguna noong nakalipas na araw ng Martes (Abril 22).

Ang pagkakadakip sa dalawa ay bunsod ng impormasyon na ibinigay sa pulisya ng isang guwardiya na sinasabing nakasaksi sa krimen, kung saan umano isinakay ang bangkay ng biktima sa isang Mitsubishi L-300 van na may plakang TRJ-926.

Unang inabangan ng pulisya ang mga suspek sa kani-kanilang mga bahay pero nagpalamig muna ang mga ito at hindi umuwi kaya hindi sila kaagad naaresto.

Sa tulong ng Las Piñas Police ay nadakip din ang magkapatid na  ngayon ay pinipigilan sa himpilan ng pulisya habang inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa kanila.

Tumatanggi pa ang da­lawa na tukuyin ang mo­tibo ng kanilang ginawang pagpatay sa biktima.

 

BILLY DELA CRUZ

BRGY

CAMELLA HOMES

GEMMA CRUZ

IPIL ST.

LAS PI

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with