2 naghagis ng granada sa police station, timbog
MANILA, Philippines - Dinampot ng mga tauhan ng pulisya ang dalawang lalaki na pinaghihinalaang naghagis ng granada sa himpilan ng pulisya kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.
Sa isinagawang follow-up operation nadakip ang mga suspek na kinilalang sina Alfredo Roy Elgarico, alyas “Pikitâ€, 21, ng Malaya St., Balut, Tondo na nahulihan umano ng kalibre 45 baril at 6 na pirasong plastic sachet ng shabu at Jay-Ar Castolome, 31, na nahulihan din ng kalibre 38 baril at 12 pirasong plastic sachet na hinihinalang shabu.
Batay sa impormasyon ng Manila Police District (MPD), ang dalawang suspek ang pinaniniwalaang naghagis ng granada sa harapan ng MPD-station (Raxabago) dakong alas-3:45 ng hapon kamakalawa na dito nawasak at nasunog ang sasakyan ng station commander na si P/Supt. Julius Añonuevo, na Toyota Vios (ZFN-447) na kulay gray at nadamay din ang isang nakaparadang motorsiklo sa tapat ng mismo ng himpilan.
“Nag-apoy na kaagad kaya tumawag na lang kami agad ng bumbero para maÂapula ang apoy at huwag nang madamay masunog yong presinto,†ani PO3 Angelo Punzalan, desk officer.
Isinasailalim pa sa masusing beripikasyon ang daÂlawa hinggil sa mga iligal na aktibidades nito dahil sa nakalap din ng mga awtoridad na impormasyon na kasamahan nito ang isang kilaÂlang tulak umano ng iligal na droga na alyas Brix na nakapiit pa sa New Bilibid Prison (NBP).
Isang kulay pink na motorsiklo din ang pinipigil ng MPD na sinasabing ginamit na get-away vehicle ng dalawa matapos ang paghahagis ng granada.
Narekober sa mga ito ang kulay pink na motorsiklo, na ginamit na get away car ng mga suspek.
Hindi man detalyado, siÂnabi ni MPD Director C/Supt. Rolando Asuncion na positibo ang dalawa na may kagagawan kaya agad silang tinugis at natagpuan sa pinaglulungÂgaan sa Balut, Tondo, Maynila.
- Latest