Lalaki dedo sa karibal
MANILA, Philippines - Nasawi ang isang lalaki matapos itong barilin ng manliligaw ng dating kinakasama, kahapon sa Taguig City.
Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Dennis Bautista, 41, residente ng Gen. Luna St., Brgy. Tuktukan ng naturang lungsod.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang susÂpek na nakilala lamang sa alyas na Pipoy.
Sa imbestigasyon nina PO2 Primitivo Delayun, Jr. at PO2 Alberto Canonigo, ng Homicide Section ng Taguig City Police, pitong taon umanong naging ka-live-in ng nasawi si Arriane Cleofaz bago nagkahiwalay may walong buwan na ang nakararaan.
Nang mabalitaan umano ng biktima na may nanliligaw na muli sa dating kinakasamaÂ, ipinasiya niyang makipagbalikan sa daÂlaga at pinuntahan ito sa bahay sa MLQ Street, Purok Uno, New Lower Bicutan paÂsado alas-7:00 ng umaga.
Nadatnan umano ng biktima ang manliligaw na suspect sa bahay ng dating kinaÂkasama kaya’t nagkaroon ng mainitang komprontasyon ang dalawa hanggang bumunot ng baril ang suspek at binaril sa ulo ang karibal.
Tumakas kaagad ang suspek matapos ang insidente habang isinugod naman sa pagamutan ang biktima subalit makaraan ang limang oras ay binawian na rin ito ng buhay.
- Latest