Dahil sa babae Pulis utas sa kapwa pulis
MANILA, Philippines - Patay ang isang bagitong pulis matapos barilin ng kanyang kabaro makaraang magtalo dahil lamang sa isang babae kahapon sa Las Piñas City.
Dead on arrival sa Las Piñas Medical Center ang biktimang si P01 Jhon Michael Dimalanta, 26, binata at nakatalaga sa Regional Public Safety Batallion, National Capital Regional Police Office (NCRPO) sanhi ng tinamong ilang tama ng bala ng kalibre .9mm na baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Samantala, nakakulong naman sa Las Piñas City Police detention cell ang suspek na si P01 Rafael Espina, 26, nakatalaga din sa naturang departamento.
Ayon sa imbestigasyon ni P02 Christian Yanga, ng Station Investigation DiÂÂvision (SID) ng Las Piñas City Police, naganap ang insidente ala-1:30 ng hapon sa harapan ng Mama Cita Store sa Apollo V Extension, Moonwalk Village, Brgy. Talon 5 ng naturang lungsod.
Nabatid na kasama ng nasawi ang testigong si Rowelo Dimalanta at pinunÂtahan ang isang nagngaÂngalang Mary Rose Aguilar, isang teacher at may-ari ng naturang tindahan.
Nagkataon namang naÂabutan ng biktima ang suspek na si P01 Espina doon at nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.
Sa kainitan nang pagtatalo binunot ni P01 Espina ang kanyang kalibre .9mm na baril at agad na pinagbabaril si P01 Dimalanta.
Nabatid pa sa imbesÂtiÂgasyon ng Las Piñas City Police, selos ang pangunahing motibo na kanilang tinitingnan sa ngayon, dahil dating nobya ni P01 Dimalanta si Aguilar at ang nobyo naman ng babae sa kasalukuyan ay si P01 Espina.
Matapos ang pamamaril ay dali-daling isinugod ang biktima sa naturang pagamutan, subalit hindi na ito umabot pang buhay.
Agad din namang naÂaresto ng Las Piñas City police ang suspect ding pulis.
- Latest