Matinding trapiko sasalubong sa mga balik-Metro Manila
MANILA, Philippines - Inaasahang sasalubong sa mga motorista na babalik sa Metro Manila ang mabigat na daloy ng trapiko partiÂkular na sa EDSA dahil sa hindi pa natatapos na “concrete re-blocking†ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Pinayuhan na lamang ni Metropolitan Manila DeÂveÂlopment Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang mga motorista na guÂmaÂmit ng mga alternatibong ruta at huwag nang makipagsikÂsikan sa EDSA ngayong Lunes.
Posibleng matatapos ang pagkukumpuni ng DPWH dakong alas-5 pa ng umaga ng Lunes ngunit maaaring magkaroon pa rin ng pagbibigat ng daloy ng trapiko sa mga motoristang madaling-araw pa lamang ay uuwi na.
Sa mga manggagaÂling naman sa South Luzon ExpressÂway (SLEX), inirekomenda ni Tolentino na dumaan na lamang sa C-5 o sa Osmeña Highway para hindi na makabigat sa EDSA.
Sa monitoring naman sa South Luzon Expressway (SLEX), nag-umpisa nang magsibalikan ang ilang bakasyunista nitong Sabado pa lamang.
Inaasahan na dadagsa ang pagbabalik ng mga motorista nitong Linggo ng gabi hanggang ngayong Lunes ng umaga.
- Latest