^

Metro

18-anyos nabuntis ng pinsan, ginilitan!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginilitan ng sariling pinsan ang isang 18-anyos na estudyante habang nasa playground ng Paraiso ng Batang Parola matapos ma­laman na nabuntis niya ito sa dalawang beses na pagtatalik sa Tondo, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Namatay noon din ang biktimang si Junesa Rusco, ng Gate 1,  Area H, Parola Compound, Tondo, Manila makaraang gilitan at tinara­kan ng kutsilyo sa leeg ng umano’y bumuntis sa kanyang pinsan na si Romnick Joseph Alon, 19, ng Gate 1, Pier 2, North Harbor, Tondo na agad na naaresto ng mga rumespondeng mga ba­rangay tanod.

Sa ulat ni SPO1 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang madugong in­sidente sa nasabing pala­ruan, dakong alas-8:30 ng gabi, nitong Biyernes Santo.

Bago ang insidente, alas- 8:00 ng gabi ng araw na iyon ay katatapos lamang maghapunan ng biktima sa kanilang bahay kasama ang ama nang yayain ng mga pinsan na sina Ronelyn Pecargo at Rosalyn Alon, nakatatandang kapatid ng suspek, para magpahangin sa nabanggit na playground.

Nadaanan umano ng biktima sa paanan ng Delpan bridge ang suspek  at isinama upang mag-usap. Nakiusap pa ang suspek kina Ronelyn at Rosalyn na iwan silang dalawa ng biktima upang makapag-usap sa may padulasan.

Sa kanilang pag-uusap, nagbanta umano ang biktima na sasaksakin at papatayin siya ng ama niya kapag na­laman ang kanilang relasyon at ang pagbubuntis nito.

Dahil dito, naguluhan umano ang suspek sa sitwasyon dahilan ng pagtatalo hanggang sa bigla na lamang tarakan sa leeg ang biktima habang sa ’di kalayuan ay nakatalikod ang dalawa nilang  kasama.

Depensa ng suspek, ang ate niyang si Rosalyn ang nagsabi  sa kanya na buntis ang biktima kung kaya nag­duda siya sa ipinagbubuntis ng huli. Bagaman dalawang beses umano silang nagtalik, subalit dalawang linggo pa lang umano ang nakalipas at imposible na ma-delay ka­agad ang menstruation nito at mabuntis.

Nang mag-isang naglalakad paalis ang suspek ay binalikan umano ng dalawang kasamahan ang biktima at nagulantang nang makitang  nakahandusay na at duguan subalit hindi agad na naka­gawa ng aksyon dahil sa matinding takot.

May isang babaeng dumaan sa lugar ang nakakita sa duguang biktima kaya siya nagsisigaw kung kaya nagpasya na rin sina Ronelyn at Rosalyn na humingi ng tulong sa mga barangay tanod. 

Nang pasukin ang pinagtataguan ng suspek, isang Ian de Castro, barangay sec­retary, ang nakakita  sa ginawang paghuhubad nito ng duguang t-shirt at itinapon sa compound ng  San  Miguel Bottling Corporation, hindi kalayuan sa lugar.

Narekober ng mga pulis ang nasabing t-shirt, na natuklasang doon ibinalot ang duguang kutsilyo na ginamit sa krimen. Takot umano ang suspek sa tiyu­hin na ama ng biktima kaya nagdilim ang kanyang pani­ngin at napatay ang pinsan.

Sa pagsisiyasat, nabatid na second degree cousins ang biktima at suspek.

 

vuukle comment

AREA H

BATANG PAROLA

BIKTIMA

BIYERNES SANTO

JUNESA RUSCO

SHY

SUSPEK

UMANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with