^

Metro

Sudanese timbog sa pang-eextort sa kababayan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 24-anyos na Sudanese national ang nalaglag sa kamay ng pulisya sa isang entrapment operation kaugnay sa reklamo ng isang babaeng kapwa Sudanese na hinihingan ng P60,000. kapalit ng pagsosoli ng passport sa isang fastfood restaurant sa UN Avenue sa Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kalaboso ang suspek na si Sadah Kamal Khain, nanunuluyan sa Baguio City bunsod sa reklamong inihain ng isang Nasah Buthaind Sasar, 24, may-asawa at nanunuluyan sa Hyatt Hotel, Malate, Maynila.

Sa ulat ni SPO1 James Poso, ng Manila Police District-General Assignment Section, dakong alas-9:45 ng gabi ng arestuhin ang suspek sa loob ng isang fastfoods sa aktong iniaabot ng biktima ang marked money na P5,000. 

Ayon kay Poso, dumulog ang biktima hinggil sa panggugulo umano ng suspek  at pagtanggi na ibigay na lamang ang kinuha nitong passport sa biktima.

Nagkakilala umano ang dalawa sa Baguio City at nagawa pang kunin ng suspek ang passport ng biktima at hindi na umano ibinalik.

Posibleng may gusto umano ang suspek sa biktima su­balit nang dumating na ang mister ng biktima ay dinala na sa Maynila at doon nanunuluyan na muli na namang ginugulo ng suspek hanggang sa tawagan siya para ipatubos ang passport.

Ani Poso, may mga kaso na ring iniharap ang biktima sa Baguio City  Police. Ipaghaharap ng kasong robbery extortion sa Manila Prosecutor Office ang suspek.

ANI POSO

BAGUIO CITY

BIKTIMA

HYATT HOTEL

JAMES POSO

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MANILA PROSECUTOR OFFICE

MAYNILA

NASAH BUTHAIND SASAR

SADAH KAMAL KHAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with