^

Metro

Deniece Cornejo nakapagpiyansa na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpiyansa na ang modelong si Deniece Cornejo ngayong Miyerkules para sa kasong grave coercion na isinampa ni TV host Vhong Navarro.

Tumungo ng Taguig Metropolitan Trial Court Branch 74 si Cornejo kasama ang kanyang abogado upang magbayad ng piyansang P12,000.

Si Cornejo ang umano'y ginahasa ni Navarro nitong Enero sa loob ng Forbeswood Heights Condominium sa Bonifacio Global City sa Taguig, pero nito lamang nakaraang linggo ay ibinasura ito ng Department of Justice.

Kaugnay na balita: 1 sa mga nambugbog kay Vhong nakapagpiyansa na

Nag-ugat ang kaso dahil sa pambubugbog ng mga kaibigan ni Cornejo sa pangunguna ng negosyanteng si Cedric Lee kay Navarro noong Enero 22.

Una nang nakapagpiyansa ang isa sa mga akusadong si Jed Fernandez kahapon.

Bukod sa grave coercion ay nahaharap din si Cornejo at iba pang kasamahan sa kasong serious illegal detention na walang piyansa.

Kaugnay na balita: 4 na pulis sa kaso ni Vhong pinasususpinde

BONIFACIO GLOBAL CITY

CEDRIC LEE

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

DEPARTMENT OF JUSTICE

ENERO

FORBESWOOD HEIGHTS CONDOMINIUM

JED FERNANDEZ

KAUGNAY

NAVARRO

SI CORNEJO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with