^

Metro

Barangay officials ng QC, ida-drug test

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bunga ng ulat na may mga barangay officials na umaabuso sa kanilang tungkulin, ipasasailalim ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAC) ang mga barangay official sa drug test.

Ayon kay QC Vice Mayor­ Joy Belmonte na siyang chairperson ng QCADAC, ito ay upang matiyak na hindi gumagamit ng bawal na gamot ang mga tagapagpatupad ng batas sa bawat barangay sa lungsod.

Ang hakbang anya ay ba­hagi rin ng kampanya na ma­ibsan ang problema sa illegal drugs kayat para matiyak ang tagumpay nito ay kailangang mapasimulan ang kampanya sa mga opisyal ng barangay.

Plano rin ni Belmonte na bigyan ng kaukulang incentives ang barangay na lalabas na walang gumagamit ng bawal na gamot sa mga ito.

“What we need is to empower the youth, parents, the church and the barangays to address the drug problem in Quezon City. We all have a stake here and it is imperative that we work together since addressing the problem requires massive support among stakeholders,” pahayag pa ni Belmonte.

AYON

BARANGAY

BELMONTE

BUNGA

DRUG ABUSE ADVISORY COUNCIL

JOY BELMONTE

PLANO

QUEZON CITY

VICE MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with