^

Metro

Truck helper, binoga sa ulo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang helper ng truck makaraang barilin sa ulo ng isang hindi nakikilalang salarin sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni PO2 Rhic Pittong, nakilala ang nasawi na si Edmar­ Ligsay, 34,  ng Visayas St., Brgy. Payatas B, sa lungsod.

Ayon kay Pittong, ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa gawing likuran ng kanyang ulo at naglagos sa kaliwa nitong mata na siyang ikinasawi nito.

Nangyari ang insidente sa may Leyte St., Brgy. Payatas, ganap na alas-2 ng madaling-araw.

Bago ito, ayon kay Cerila dela Peña, nasa loob umano siya ng kanyang bahay nang marinig niya ang isang malakas na putok ng baril malapit dito. Dahil dito nagpasya siyang lumabas ng bahay  at tignan ang lugar na pinagmulan ng putok kung saan bumulaga sa kanyang harapan ang duguang katawan ng biktima habang nakahandusay sa lupa. 

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives, narekober sa lugar ang isang basyo ng kalibre 45 baril  na pinaniniwalaang mula sa salarin.

May dalawang basyo ng bala ng kalibre 45 ang nakuha mula sa bulsa ng short pants ng biktima. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

CERILA

LEYTE ST.

PAYATAS B

RHIC PITTONG

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

VISAYAS ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with