^

Metro

4 pulis na humawak sa kaso ni Vhong Navarro, suspendido

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinuspinde ng 20 araw  ang 4 na pulis na tumanggap ng blotter report hinggil sa pambubugbog sa actor/TV host na si  Vhong Navarro sa Taguig City noong Enero 22 ng taong ito.

Base  sa rekomendasyon ng Regional Internal Affairs Service sa tanggapan ni PNP Chief Director General Alan Purisima, pinasasampahan na ng kasong administratibo ang naturang mga pulis.

Kinilala ang mga ito na sina Senior Inspector Eduardo­ Alcantara, hepe ng Directorate of Investigative and Detective Management Division-Southern Police District (DIDM-SPD) at mga tauhan nitong sina PO3 Dalmacio Lumian Jr., PO3 Eugene­ Pugal at PO3 Rolly Laureto.

Bukod sa pagkakasuspinde sa mga ito ng 20 araw ay kanselado rin ang kanilang mga sahod.

“Wherefore premises considered. Respondents are hereby found liable for neglect of duty and as such suspended from the police service for a period of 20 days with forfeiture of salary for the same period,” ayon sa PNP.

Magugunita na ang nasabing mga pulis ang tumanggap ng report nang dalhin ng grupo ng negos­yanteng si Cedric Lee ang bugbog-saradong si Navarro para umano’y ipa-blotter ang ginawang pangre-rape kay Deniece Cornejo.

Ipinunto sa  ibinabang desisyon na kahit bugbog- sarado na ang aktor ay hindi ito dinala sa hospital ng naturang mga pulis na umano’y hindi nakilala ang TV host.

Samantalang hindi rin ng mga ito inalam ang dahilan kung bakit binugbog nina Lee si Navarro.

 

CEDRIC LEE

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

DALMACIO LUMIAN JR.

DENIECE CORNEJO

DIRECTORATE OF INVESTIGATIVE AND DETECTIVE MANAGEMENT DIVISION-SOUTHERN POLICE DISTRICT

NAVARRO

REGIONAL INTERNAL AFFAIRS SERVICE

ROLLY LAURETO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with