Mega re-blocking simula na sa EDSA
MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na inumpisahan na ang concrete re-blocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kahabaan ng EDSA Avenue, Makati City kamakalawa ng gabi kaya naranasan na ng maraming motorista ang matinding trapik.
Nabatid na nasa daÂlawa hanggang tatlong linya ng EDSA sa north at south bound mula Ayala Tunnel hanggang sa Guadalupe ang gagawing concrete road re-blocking at sa iba pang lugar.
Ayon kay DPWH National Capital Region (NCR) Dir. Reynaldo Tagundado, tatagal hanggang sa Sabado De Gloria ang road re-blocking sa naturang lugar.
Bagama’t magkaÂkaroon ng break sa Martes Santo at BiyerÂnes Santo, iko-kordon naman ito para matuyo ang semento.
Sinabi pa ni Tagundado, nakipag-ugnayan na sila sa mga opisyal ng MMDA para sa naturang proyekto at 
dagÂdag pa nito, hindi masyado maaapektuhan ng trapik ang EDSA dahil hindi sindami ng normal na araw ang buhos ng sasakyan kapag Semana Santa.
- Latest