^

Metro

4-anyos hinalay, tinorture ng adik

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos ang sinapit ng isang 4-anyos na batang babae makaraang gahasain at tortyurin pa ng isang lalaking hinihinalang adik sa Valenzuela City Police kahapon.

Nadakip naman sa ikinasang operasyon ng pulisya ang suspek na si Jhon Noven Baylon, residente ng Brgy. Tibagan, ng naturang lungsod. Naha­harap ito ngayon sa kasong panggagahasa at anti-child abuse law.

Sa ulat, sinabi ng ina ng biktima na itinago sa pangalang Mary Jane na nagpaalam ang anak para bumili ng chewing gum dakong alas-7 ng gabi noong nakaraang Miyerkules. 

Habang naglalakad, hinihinalang hinila ng suspek ang paslit at puwersahang ipinasok sa loob ng bahay nito.

Nang umuwi ang bata makaraan ang higit isang oras, hindi na mapigil ang pag-iyak nito at tadtad ng paso ang katawan. 

Isinumbong ng paslit ang pambababoy na ginawa sa kanya ng suspek at pagpalo pa sa kanyang ulo gamit ang isang PVC pipe.

Agad na humingi ng saklolo ang ina ng biktima sa mga pulis na siyang sumugod sa bahay ng suspek at nagresulta sa pagkakadakip dito.

 Sa loob ng presinto, inamin ng suspek ang ginawang panghahalay at pananakit sa bata na ginawa lamang umano niya dahil sa nasa impluwensya siya ng iligal na droga.

BRGY

HABANG

ISINUMBONG

JHON NOVEN BAYLON

KALUNUS

MARY JANE

MIYERKULES

NADAKIP

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with