^

Metro

Suspek sa Baguio massacre sumuko kay Isko

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sumuko kay Manila City vice mayor Isko Moreno ngayong Miyerkules ang itinuturong suspek sa likod ng pagpatay sa limang katao, kabilang ang tatlong bata sa isang apartment sa Baguio City nitong Linggo.

Nakilala ang suspek na si Philip Tolentino Avino, 31, ngunit itinanggi ang mga paratang sakanya.

Sinabi ng suspek na sakay siya ng bus pa-Maynila nang mangyari ang krimen.

Kaugnay na balita: 5 bangkay natagpuan sa Baguio apartment

Dagdag niya na isang frame-up ang nangyari.

Nitong Linggo ay natagpuan ang walang buhay na katawan nina Dave de Guzman, 7; Raymond Delmendo, 8; Joey Nociete Jr., 9; Jacquelyn Nociete, 19; at Jonalyn Lozano, 32 sa loob ng isang inuupahang apartment sa  kalye ng Kayang sa lungsod ng Baguio.

Ayon sa ina ng dalawang biktima na si Vilma Nociete, nakatanggap siya ng isang text message mula sa kanyang anak na may dumaang bisita bandang alas-4 ng hapon nitong Linggo.

Dagdag niya na kakilala raw ng ama ng mga biktimang Nociete ang bisita, ayon pa sa mensahe.

 

BAGUIO CITY

DAGDAG

ISKO MORENO

JACQUELYN NOCIETE

JOEY NOCIETE JR.

JONALYN LOZANO

LINGGO

MANILA CITY

NITONG LINGGO

PHILIP TOLENTINO AVINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with