^

Metro

Saksakan sa QC: 2 bulagta

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang binata ang na­sawi makaraang pasukin sa loob ng kanyang bahay at pagsa­saksakin ng dalawang suspek na ikinasawi rin ng isa sa mga huli matapos na makaganti ng saksak ang una sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ni PO2 Jogene Hernandez, nakilala ang nasawing biktima  na si Julio Tallo, 42, construction worker ng Punciana Patag St., Salazar compound, Nitang Avenue, Brgy. Gulod, Novaliches. Habang ang nasawing suspek ay nakilalang si Danilo Luseriaga, 37. Tinutugis naman ang kaanak ni Danilo na si Ricardo na mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Nangyari ang insidente sa may inuupahang bahay ng biktimang si Tallo, ganap na alas-9:45 ng umaga nang biglang pumasok ang mga suspek na armado ng patalim.

Biglang inatake ng saksak ng mga suspek ang natutulog na si Tallo sa katawan kung saan nang makita ito ng kinakasama ng huli ay tinangkang awatin ang mga una, subalit maging siya ay sinaksak ng mga ito.

Kahit sugatan si Tallo ay nagawa pang makatakbo papunta sa kusina at kumuha ng kutsilyo saka inatake ng saksak si Danilo.

Nang makita naman ni Ricardo na sinasaksak si Danilo ay siya naman ang sumaklolo at pinagsasaksak muli si Tallo, saka tumakas.

Dead-on-the-spot sa lugar­ si Tallo, habang na­isugod pa sa Nova Gene­ral Hospital si Danilo subalit idineklara ring dead-on-ar­rival. Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente.

 

vuukle comment

DANILO

DANILO LUSERIAGA

JOGENE HERNANDEZ

JULIO TALLO

NITANG AVENUE

NOVA GENE

PUNCIANA PATAG ST.

RICARDO

TALLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with