^

Metro

Binatilyo nagselos, kababata ng syota, inutas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang 21-anyos na lalaki nang tarakan sa dibdib ng nobyo ng kababata dahil sa matinding selos ng huli sa una sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Isinugod sa Tondo General Hospital ang biktimang si Raymart Manansala, binata, ng Camia St., Tondo, Maynila dahil sa saksak na tinamo sa dibdib ngunit hindi rin naisalba pa ang buhay nito.

Mabilis namang tumakas ang suspect na si Eduardo Antolin, 17, at kasamang nakatatandang kapatid na si Christian Antolin, kapwa residente ng  A. Bonifacio St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo ng MPD-Homicide Section, dakong alas-11:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan  ng Bonifacio at Jacinto Sts. sa Tondo.

Sa testimonya ng security guard na si Januar Pagulayan, 25, kainuman pa niya ang biktima at nang matapos ang inuman ay nagtungo sila sa isang karinderya sakay ng motorsiklo.

Nang makita umano ng nakababatang Antolin ang biktima ay nilapitan at inundayan agad ito ng saksak sa dibdib habang ang kasamang kapatid naman ay alalay lamang. Mabilis na tumakas ang magkapatid dala ang patalim na ginamit.

Sa pag-iimbestiga, sinabi ni Asilo, matagal nang nagse­selos ang suspek na si Eduardo sa biktima dahil matagal na nakitang kakuwentuhan nito ang kanyang nobya.

Ang nobya ng suspek na hindi pinangalanan ay ka­ibigan at kababata umano ng nasawi. (

BONIFACIO ST.

CAMIA ST.

CHRISTIAN ANTOLIN

EDUARDO ANTOLIN

HOMICIDE SECTION

JACINTO STS

JANUAR PAGULAYAN

MABILIS

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with