‘No CCTV, no business’ isusulong sa Caloocan
MANILA, Philippines - Nakatakdang higpitan ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ang pagtatayo ng mga negosyo sa lungsod sa oras na maipasa ang panukalang ordinansa na layong gaÂwing “mandatory†ang pagkakabit ng “closed circuit television (CCTV)†caÂmera bago sila mabigÂyan ng “business permitâ€.
Sa panukalang inihain sa Sangguniang PangÂlungsod, sinabi ni 1st DisÂtrict Councilor Onet Henson na inaasahan niya na maraming krimen ang maiiwasan o kaya naman ay mareresolba sa oras na maging ordinansa ito at maipatupad sa lahat ng establisimiyento.
Ayon sa datos, maraming krimen ang maiÂiwasan kapag nabatid ng mga kriminal na may nakakabit na CCTV at maÂrami ring kaso ang nareresolba o nauuwi sa pagkaaresto ng mga salarin kapag nakilala ang mga ito sa pamamagitan ng CCTV.
Kahit na hindi pa naÂipaÂpasa ang naturang ordinansa, hinikayat ni Henson ang mga negosÂyante at mga building administrators na magkabit ng CCTV para sa kanilang seguridad at maging sa kanilang mga kustomer o kliyente.
Gayunman, nilinaw ni Henson na sakop lang ng panukalang ordinanÂsa ang mga negosyo na may sapat na pondo para makapagpakabit nito. Kailangan lamang umano na maipakita nila sa pamahalaang lungsod na wala silang kakayahan para magkabit nito sa maliliit na negosyo upang mabigyan ng mga kinakailangang permit.
Kasama rin sa panuÂkala na maging prayoridad rin ng bawat barangay chairÂman ang pagkakaÂbit ng CCTV sa kani-kaÂniÂlang nasasakupan.
- Latest