^

Metro

Kelot itinumba ng 3 armado

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang hindi nakikilalang lalaki makaraaang pagbabarilin sa ulo ng isa sa tatlong suspek sa may kahabaan ng Commonwealth Avenue­, lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni PO2 Jogene Hernandez, may-hawak ng kaso,  ang biktima ay tinatayang nasa edad na 25-30, naka­suot ng kulay puting t-shirt, kulay gray na pants, at camouflage na ball cap. Siya ay nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo na agad na ikinamatay nito.

Ayon kay Hernandez, tatlong arma­dong lalaki ang responsable sa pagpaslang sa biktima na sakay ng tig-iisang motorsiklo  sa kanilang pagtakas.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Commonwealth Ave­nue, malapit sa Fairlane St., Brgy. West Fairview ganap na alas-2:05 ng madaling-araw.

Sabi ng guwardiyang si Vilmar Belen, nagbabantay siya malapit sa lugar nang marinig niya ang mga putok ng baril.

Agad niyang pinuntahan ang pinanggalingan ng putok kung saan naabutan niya ang biktimang nakahandusay, habang ang dalawang motorsiklo naman na sakay ang mga suspek ay humaharurot palayo.

Mabilis na ipinagbigay-alam ni Belen ang pangyayari sa barangay na siya namang tumawag ng mga pulis para sa imbestigasyon.

Sa pagsisiyasat, narekober sa lugar ang isang basyo ng kalibre 45 baril.

 

vuukle comment

AYON

BELEN

BRGY

COMMONWEALTH AVE

COMMONWEALTH AVENUE

FAIRLANE ST.

JOGENE HERNANDEZ

VILMAR BELEN

WEST FAIRVIEW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with