^

Metro

120 pamilya nasunugan sa napabayaang gasera

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May 120 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang tupukin ng apoy ang kanilang mga bahay, sanhi umano ng napabayaang gasera sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Ayon kay SFO3 Mauricio Jose, tactical operations officer ng Quezon City Fire Station, nangyari ang sunog ganap na alas-8:20 ng gabi sa may Gilmore panulukan ng Hemady St., Brgy. Valencia.

Sinasabing nag-ugat ang sunog sa isang napabayaang gasera na ginamit bilang ilaw umano ng isa sa mga residente sa lugar, hanggang sa lumaki ito at madamay ang ibang kabahayan.

Dahil pawang mga gawa lamang sa mahinang klaseng mater­yales ang mga bahay ay mabilis na kumalat ang apoy na umabot hanggang sa Task Force Alpha.

Nahirapan ang mga pamatay-sunog na ma­apula ang apoy ng mga nagliliyab na kabahayan dahil sa bukod sa ma­kitid ang lugar ay naka­hambalang ang mga gamit ng mga nagsisi­likas na residente.

Nabatid na dakong alas-2 na ng madaling-araw kahapon nang tuluyang ideklarang “fire out” ng mga pamatay-sunog ang insidente kung saan umabot sa 40 kabahayan ang ti­nupok ng apoy.

Tinatayang umaabot sa P1.5 milyon ang halaga­ ng ari-arian ang naabo sa nasabing sunog.

 

AYON

BRGY

DAHIL

HEMADY ST.

MAURICIO JOSE

QUEZON CITY FIRE STATION

SHY

TASK FORCE ALPHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with