Bus salpok sa jeepney: 7 sugatan
MANILA, Philippines - Pitong pasahero ang suÂgatan makaraang salpukin ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep ng isang pampasaherong bus sa Commonwealth Avenue, lungsod Quezon, kahapon
Ayon kay PO3 Jonathan Jimenez, ng QCPD Traffic Sector 5, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, northbound lane malapit sa harap ng Commission on Human Rights, Brgy. San Vicente, ganap na alas -7:45 ng umaga.
Sinasabing kapwa tinatahak ng dalawang sasakyan ang Commonwealth Avenue, patungong Tandang Sora mula direksyon ng Philcoa, nang pagsapit sa harap ng CHR ay biglang mabundol ng Corimba bus (TYW-381) na minamaneho ni Junbeth Baron, 36 ang jeep.
Dahil sa lakas nang pagkabundol, nagpaikut-ikot ang jeepney bago tuluyan itong tumaob. Ang resulta, nagtamo ng mga injuries ang anim na pasahero ng jeepney at ang driver nito.
Samantala, ang bus na nakabangga sa jeepney ay nagtuluy-tuloy na tumakas pero hinabol ito ng traffic enforcers ng DPOS at nasukol sa bahagi ng Luzon Avenue sa kanto ng Commonwealth Avenue.
Katwiran ni Baron, hindi umano siya tatakas bagkus ay magtutungo lamang umano siya sa traffic sector 5, bagay na hindi pinaniwalaan ng mga awtoridad.
Kasong reckless imprudence resulting to damages to property with multiple physical injuries, ang kinakaharap ngayon ng driver ng bus.
- Latest