^

Metro

‘Heat stroke break’ ibinalik ng MMDA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority ang "heat stroke break" para sa mga traffic enforcers at street sweepers ngayong tag-init.

Maaaring iwanan ng mga kawani ng MMDA sa kalsada ang kanilang trabaho mula ala-una ng hapon hanggang 1:30 ng hapon at 2:30 hanggang alas-3 ng hapon.

Base sa pag-aaral ang mga naturang oras ang pinakamainit na parte ng araw ngayong tag-init.

"Considering that our traffic constables and street sweepers work continuously under the scorching heat of the sun, we deemed it appropriate to re-implement this Heat Stroke Break Policy," pahayag ni Tolentino.

Ipatutupad ang heat stroke break mula Abril 8 hanggang Mayo 31, maliban lamang sa mga araw na uulanin.

"We should try to understand the plight of these traffic constables and street sweepers who brave the heat everyday to fulfill their duties," dagdag ni Tolentino.

Bukod sa 30-minutong pahinga ay muling ipasusuot ng MMDA ang black short pants, asul na polo shirt at sombrero upang panlaban sa init.

Umaasa si Tolentino na susundan ito ng iba’t ibang lokal na pamahalaan para sa kanilang sari-sariling traffic constables.

Noong 2012 ay isang traffic constable ng MMDA ang namatay habang nagtatrabaho dahil sa heat stroke.

 

ABRIL

BUKOD

HEAT

HEAT STROKE BREAK POLICY

IPATUTUPAD

MAAARING

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NOONG

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with