P3.5-M pabuya, tinanggap ng 5 ‘tiktik’
MANILA, Philippines - Limang impormante o ‘tiktik’ na nakapagbigay ng impormasyon para mabuwag ang ilang malalaking sindikato ng iligal na droga ang tumanggap ng gantimpala na mahigit sa P3.5 milyon cash mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang programa ay itinaguyod sa ilalim ng ‘PDEA: Operation Private Eye (OPE)’, para sa mga sibilyan na maÂkaÂkapagbigay ng impormasyon sa kanila upang masugpo o mabuwag ang malalaking sindikato ng iligal na droga sa kanilang komunidad.
Ang limang impormante na nakatanggap ng tinatawag na monetary rewards ay kinilala sa kanilang mga alyas na Cold Ice 2, Storm, Tiger, Eboy and Playboy.
Sila ay nakapagbigay ng impormasyon na nagbigay daan para maÂbuwag ang mga maliliit na shabu laboratory at matagumpay na pagkaÂkaaresto sa ilang malalaking drug personalities sa ginawang buy-bust operations.
- Latest