Naglaro sa may riles 2 paslit hagip ng tren ng PNR, sugatan
MANILA, Philippines - Parehong sugatan ang magpinsan na kapÂwa 7-anyos matapos masagi ng isang tren habang naglalaro sa PNR site, Taguig City kahapon ng umaga.
Ginagamot sa TaÂguig-Pateros District Hospital ang mga biktimang sina Ara Mae at Jericho Magbutong, nakatira sa North Daang Hari, Brgy. Bicutan, Taguig City.
Samantala, hindi naman huminto ang tren na nakasagi sa nabanggit na mga biktimaÂ.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Taguig City Police Traffic EnforceÂment Bureau, naganap ang insiÂdente alas-10:00 ng umaga sa North Bound Daang Hari St., Brgy. Bicutan ng nabanggit na lungsod habang naglalaro ang magpinsang bikÂtima at hindi namalayan ang isang paparating na tren dahilan upang masagi ang mga ito. Nabatid na tumilapon ng ilang metro si Jericho.
Dahil sa hindi pagÂhinto ng operator ng train kung kaya’t ang guwardya ng Philippine National Railways (PNR) ang nagsugod sa mga biktima sa naÂturang ospital.
Patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.
- Latest