Sekyu sugatan sa kapwa sekyu
MANILA, Philippines - Isang guwardya ang suÂgatan nang tamaan ito ng bala mula sa baril na pumutok na nililinis ng kasamahan nito na naganap sa kanilang guardhouse Valenzuela City kahapon ng umaga.
Ginamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala sa kanang palad si Dennis Bilgera, 26, stay-in sa Santo Rosario St., Bgy. Mapulang Lupa ng naturang lungsod. Hindi na dinakip ng mga pulis si Michael Dela Cruz, 25, ng Mendez St., Baesa, Quezon City dahil hindi na nagsampa ng kaso ang biktima.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Valenzuela City Police, naganap ang inÂsidente alas-6:30 ng umaga sa loob ng guardhouse na kanilang binabantayan sa Sublime Holding IncorpoÂrated sa Santo Rosario St., Bgy. Mapulang Lupa ng naÂturang lungsod.
Habang naka-duty ang biktima ay nililinis naman ni dela Cruz ang kanyang serÂvice firearm na kalibre .38.
Aksidenteng pumutok ang baril at tinamaan ang naturag biktima, kung kaya’t kaagad itong dinala sa naturang ospital.
- Latest