^

Metro

27 babae nasagip, illegal recruiter kakasuhan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasagip ng mga tauhan ng  Manila Police District (MPD) ang  27 kababaihan na kinabibilangan ng  ilang menor de edad  na iligal na nirecruit at ikinulong ng kanilang  recruiter sa Maynila.

Kasabay nito, kakasuhan ng Illegal Detention, Syndicated and Large Scale Illegal Recruitment, Qualified Human Traf­ficking at Special Protection of Children Against Abuse of Exploitation and Discrimination Act  si Noemi Fernandez, 50,  ng #993 Arlegui St., Quiapo, Maynila at  may-ari ng  Muraken Recruitment Agency na ma­tatagpuan sa Mabini St., Malate, Maynila.

Sa ulat ni Chief Insp. Dennis Wagas, hepe ng MPD-GAS dakong alas 6:30 ng gabi nang salakayin nila ang bahay ng itinuturong  pinagkukulungan umano ng may 27 babae kasama ang mga menor de edad .

Nag-ugat ang pagsalakay nang dumulog ang kaanak ng isang 15-anyos na dalagita hinggil sa pagbabawal ng suspek sa mga biktima na lumabas ng bahay  simula nang duma­ting mula sa Maguindanao. Idinaan muna umano sila sa Muraken Recruitment Agency office at hindi na nakalabas, sa pangakong makakaalis din patungong Middle East.

Itinanggi naman ng suspek na iligal ang kaniyang pagre-recruit.

 

vuukle comment

ARLEGUI ST.

CHIEF INSP

DENNIS WAGAS

ILLEGAL DETENTION

MABINI ST.

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

MIDDLE EAST

MURAKEN RECRUITMENT AGENCY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with