^

Metro

Superkalan sumabog: 2 sugatan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang sugatan matapos sumabog ang tangke ng isang superkalan sa isang bahay sa Taguig City, kahapon.

Kapwa nilalapatan ng lunas sa Taguig-Pateros District Hospital ang mga bik­timang sina Arnel Gonzales, de­livery boy at Christian Rapita, 17-anyos. Nagtamo ang mga ito ng 1st degree burn sa mukha at mga kamay.

Lumalabas sa imbestigas­yon nina PO3 Roger Aquilesca at PO3 Alan Corpuz, ng Homicide Section, Taguig City Police, naganap ang pag­sabog ng superkalan pa­sado alas-11:00 ng tanghali sa bahay ni Elizabeth Rapita sa Manalili St., Brgy. Central Signal Village.

Napag-alaman na bago nangyari ang pagsabog, nag­pa-deliver ng tangke ng superkalan si Rapita at si Gonzales ang nagdala nito sa kanilang bahay.

Nabatid, na naikabit na ni Gonzales ang burner nang ipatanggal ulit ni Rapita para linisin, ang hindi nila napansin, may nagluluto rin sa naturang bahay na gamit naman ay uling kaya nang matanggal ang burner, nagkaroon ng pressure at nag-leak ang gas sa tangke kaya ito sumabog.

 

ALAN CORPUZ

ARNEL GONZALES

CENTRAL SIGNAL VILLAGE

CHRISTIAN RAPITA

ELIZABETH RAPITA

GONZALES

HOMICIDE SECTION

MANALILI ST.

RAPITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with