Liga ng mga Barangay, naalarma sa serye ng pagpatay sa brgy. officials sa Caloocan
MANILA, Philippines - Lubhang naaalarma ngaÂyon ang Liga ng mga BaÂrangay sa Pilipinas sa sunud-sunod na pagpatay sa mga opisyal ng barangay sa lungsod ng Caloocan kung saan pinakahuling napaslang ng mga kriminal na riding-in-tandem si Barangay Chairman Pedro Ramirez.
Dahil dito, nananawagan si LBP national president Atty. Edmund Abisamis sa Philippine National Police at maging sa Caloocan City Police na magsagawa ng malalimang imbestigasyon upang hindi lang maaresto ang mga gunman kundi upang maÂtukoy kung sino talaga ang utak sa naturang mga pagpatay.
Sinabi ni Abisamis na labis na nakakaalarma sa kanilang hanay ang mga patayan dahil sa mistulang hinahadlangan ng karahasan ang maayos na pagtupad sa tungkulin ng mga chairman ng barangay.
Pinaslang si Ramirez nitong nakaraang Martes ng umaga sa tapat ng isang hardware store sa may Gate 2, Amparo Subdivision, sa QuiÂrino Highway, ng naturang lungsod.
Nauna rito, pinaslang din ng riding in tandem noong Marso 2 si Chairman Alejandro Bonifacio ng Brgy. 163.
Noong nakalipas na Sabado (Marso 22), pinagbabaril naman si Kagawad Luisito Banzon ng Brgy. 187 Tala, Caloocan ng mga suspek na nakamotorsiklo rin.
- Latest