Insidente ng sunog, tumataas – BFP
MANILA, Philippines - Naalarma ang Bureau of Fire Protections sa patuloy na pag-taas ng bilang ng insidente ng sunog sa bansa sa kabila ng walang humpay na kampanya para sa iwas-sunog.
Dahil dito, pinulong kahapon ni BFP officer in charge Chief Supt. Carlito Romero, ang lahat ng Municipal at City Fire Marshal’s sa Metro Manila upang alamin ang dahilan ng nasabing pagtaas.
Binusisi rin ni Romero ang bawat hepe ng Fire Stations sa estado ng mga programang ipinatutupad ng mga ito sa kanilang mga nasasakupan.
Sa kabuuan, muling inatasan ni Romero ang buong kagawaran na paigtingin ang kanilang kampanya laban sa sunog sa pamamagitan ng pakikiisa na rin ng mga residente sa barangay na kanilang nasasakupan.
Sa tala ng kagawaran, tumaas ng may 39.82 porÂsiyento ang insidente ng sunog noong 2013 kumpara noong 2012. Hindi pa kasama dito ang mga naganap na sunog simula ng January 2014 hanggang sa kasalukuyan.
Pangunahing sanhi ng nasabing sunog ang mga depektibong electrical devices at palyadong mga linya ng mga kawad ng kuryente.
- Latest