Police captain nakapatay sa karibal, sumuko
MANILA, Philippines - Kusang sumama sa mga operatiba ng Manila Police District-Homicide Section ang isang opisyal ng PNP na suspek sa pamamaril at pagpatay sa kaniyang karibal sa pag-ibig, nang puntahan ito at arestuhin sa Angono, Police Station, sa Rizal, kahapon ng umaga.
Pinipigil na sa MPD-HoÂmicide Section ang suspek na si Senior Insp. Bricks Reamillo, deputy commander ng Angono Police Station.
Ani S/Insp. Steve CaÂsimiro, hepe ng Homicide Section, mistulang hinihintay pa sila ng suspek nang tunguhin ang istasyon at hindi naman umano alam nito na napuruhan niya ang binaril na si Rizalino Ragel, 33 ng Lerma, Sampaloc, Maynila.
Depensa ni Reamillo, nag-iba ang pakiramdam niya at inakalang may huhuguting armas ang biktima kaya inunahan niya subalit hindi niya akalaing mapupuruhan ito.
Paliwanag pa niya, nagtungo siya sa bahay ng dating nobyang si Loreta Ocener, alyas Attorney 45, hindi umano sila nag-break at naging madalang lamang ang kanilang pagti-text sa isat-isa. Minsan pa raw ay nararamdaman niya sa mensahe ni Ocener na nagsasabing bawiin na siya sa bagong kalive-in.
Noong Miyerkules , alas- 10:45 ng gabi nang maganap ang insidente, kung saan sumugod umano ang nasabing pulis sa bahay na tinutuluyan ng biktima at dating nobya.
Kinaladkad umano si Ocener sa paghimok na muli silang magsama subalit nagpumiglas ang babae at binalikan ang biktima para isugod sa Mary Chiles Hospital kung saan binawian rin ng buhay dakong ala 1 ng hapon, kamakalawa.
Ipaghaharap ng kasong murder ang suspek sa Manila City Prosecutor.
- Latest