^

Metro

Sa kaso ng chinese national na nahulihan ng drug equipment sa bus terminal hindi namin siya pasahero – Cagsawa bus

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pasahero o hindi sa bus ng  Cagsawa­ Travel and Tours Inc., nadakip ang isang Chinese  national na nahulihan ng mga  drug equipment noong Marso, 14, 2014.

Ayon kay Ginna R. Benitez, assistant general manager ng Cagsawa, isang maling­ impormasyon ang lumabas kama­kailan na may kinalaman sa nangyaring pagdakip kay Zhang Youhuo.

Si Youhuo ang sinasabing nahulihan ng laboratory paraphernalia at equipments na naglalaman ng crystalline substance na isang uri ng mapanganib na substance, base sa PNP crime lab sa isang terminal ng bus habang papasakay sa isang Roro bus at hindi sa Cagsawa bus na unang naiulat.

Lumabas sa ulat ng pahayagan na dinakip ang Tsino sa may Araneta Bus terminal sa Cubao, matapos na inspeksyunin ng security guard nito ang styrofoam box na naglalaman ng nasabing equipment, habang pasakay sa bus.

Sabi ni Benitez, hindi anya sa Cagsawa sasakay ang nasabing Tsino kundi sa isang Roro Bus na patungong Masbate.

Bukod dito, wala rin anyang pang-alas-9 biyahe ang kanilang kompanya mula sa Araneta Center bus terminal na ito ang oras na nadakip ang nasabing dayuhan.

Hindi rin anya sila gumagamit ng bus dispatchers, sa halip ay mayroon silang sinanay na personnel na tumitiyak sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero at namumukod na serbisyo ng kompanya.

Sa kabuuan, ang pagkadawit sa kanilang bus na nailathala ay nagbibigay ng masamang imahe at reputasyon sa kanilang mga kliyente.

Ang impormasyon ay nag-ugat sa ipinamahagi ng Quezon City POlice District na impormasyon o press release nang ganapin ang isang press conference noong March 3, 2014, kaugnay sa pagkaka-aresto kay Youhuo na nakuhanan ng drug equipment sa isang terminal.

Tiniyak din ng kompanya na prayoridad nila ang tutukan ang kapakanan at kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

ARANETA BUS

ARANETA CENTER

BENITEZ

BUS

CAGSAWA

GINNA R

ISANG

QUEZON CITY

RORO BUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with