^

Metro

Dahil sa sunud-sunod na karahasan dalaw sa Bilibid, sinuspinde

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa ilang sunud-sunod na insidente nang pananaksak na ikinasawi ng ilang preso at ikina­sugat ng iba pa, sinuspinde simula kahapon ang dalaw sa mga bilanggo.

Sinabi ni NBP Supe­rintendent Fajardo Lan­sa­ngan, ang aksyon ay ka­nilang ginawa para ma­tiyak ang kaligtasan ng mga dalaw sa loob ng naturang bilangguan sa ka­bila na kontrolado na ang sitwasyon ng mga nagkabanggaang grupo, ang Batang City Jail Gang at Sigue-Sigue Sput­nik­ Gang.­

Nabatid na kapwa lu­magda ang mga lider ng nabanggit na mga gang  sa manifest of understanding and peace commitment para matigil ang kanilang labanan at panatilihin ang kapayaan sa nabanggit na bilangguan.

Kahit aniya kontrolado na ng pamunuan ng NBP ang sitwasyon ng dalawang gang, ipinapatupad pa rin nila ang padlock policy at patuloy ang isasagawang paghahalughog sa mga selda  para samsamin ang mga armas at patalim na pinupuslit ng ilang mati­tigas na inmate dito.

Nabatid, na noong Martes ay nakakumpiska ang pamunuan ng NBP ng mahigit 100 improvised icepick at iba pang patalim.

Sinabi pa rin ng NBP,  na mariing ipinag-utos  sa kanila ni Department Of Justice (DOJ)  Secretary Leila De Lima ang mas mahigpit na seguridad at mas maraming surprise ins­pection sa bilangguan.

vuukle comment

BATANG CITY JAIL GANG

DEPARTMENT OF JUSTICE

FAJARDO LAN

NABATID

SECRETARY LEILA DE LIMA

SHY

SIGUE-SIGUE SPUT

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with