Ex-basketball player huli sa ecstasy
MANILA, Philippines - Isang dating basketball player ang inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa umano’y pagdadala ng 30 kapsula ng ecstasy at isang liquid ecstasy sa Taguig City, kahapon.
Ayon kay Derrick Carreon, tagapagsalita ng PDEA, pinangalanan nito ang suspek sa isang alyas “Reyâ€, na nadakip sa may parking grounds floor ng Bonifacio Global City, Taguig, alas-2 ng madaling-araw
Sinasabing nadakip ang suspek ng anti-narcotics agent ng kagawaran matapos isagawa ang buy-bust operation.
Nasamsam din anya sa suspek ang isang energy drink na hinaluan na hinihinalang likido ng ecstasy at isang kulay pulang Ford Mustang.
Sabi ng PDEA, gumagamit ng “fly high†ecstasy ang mga mamimili tulad ng celebreties, society, kabataan at ilang mga nasa night clubs.
Hindi muna ibinigay ng PDEA, ang tunay na pangalan ng suspek upang hindi umano masira ang ginagawa nilang follow-up operations.
Sa ulat si Rey ay naglaro umano sa UAAP sa isang sikat na team, at na-drop sa isang team ng PBA, pero hindi ito nagamit at naging reserba lamang, kung kaya napilitang maglaro na lang sa mga commercial na paliga sa bansa.
- Latest