Bebot itinumba sa loob ng bahay
MANILA, Philippines - Patay ang isang hindi pa nakikilalang babae matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang suspek sa loob mismo ng inuupahan nitong bahay sa lungsod Quezon, kahapon.
Sa ulat ng pulisya, ang biktima ay inilarawan sa pagitan ng edad 30-35, may kaputian ang kutis, may taas na 4’11’’.
Ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo, bago tuluyang iwan ng mga suspek na sakay sa magkahiwalay na sasakyan na isang kotse at motorsiklo.
Ayon kay PO2 Louie Serbito, nangyari ang insidente sa ikalawang paÂlapag ng inuupahang bahay ng biktima sa LaÂyugan compound, MaÂunlad St., Brgy. Pinyahan, sa lungsod, alas-4 ng maÂdaling-araw.
Ayon sa mga residente, nakarinig na lamang umano sila ng putok ng baril sa isa sa mga kuwarto at nang sumilip sila sa bintana ay nakita nila ang dalawang lalaki na nagmamadaling umalis sakay ng naÂsabing mga sasakyan.
Agad na humingi ng tulong ang mga kapitÂbahay sa awtoridad.
Sa pagsisiyasat ng SOCO narekober sa lugar ang isang basyo ng bala ng kalibre 45 malapit sa katawan ng biktima.
Patuloy ang pagsisiÂyasat ng pulisya sa naÂsabing insidente.
- Latest