^

Metro

1 pang biktima ng salvage natagpuan

Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isa na namang bangkay ng lalaki na biktima ng summary execution ang natagpuan sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon kay SPO4 Rafael de Peralta ng Quezon City’s Criminal Investigation and Detection Unit , tulad ng iba pang bangkay na nakikita sa lungsod, ang huling biktima ay may bakas din ng pananakal sa leeg na indikasyon na binigti.

Isinalarawan ang biktima sa pagitan ng edad na 45-50, may taas na 5’5’’, nakasuot ng kulay asul na t-shirt at checkerd na short pants, may tattoo na “Dela Cruz” sa likuran at trival sa magkabila nitong kamay.

Ang biktima ay natagpuan ng ilang residente na nakasilid sa isang kulay pula at puting sako sa may kahabaan ng White St., Muñoz, Brgy. Tandang Sora, alas- 5 ng umaga.

Diumano, naglalakad sa lugar ang ilang residente nang mapuna ang nasabing sako. Nang kanilang tingnan ay nagulat na lang ang mga ito nang makita na ang laman ay isang tao.

Sa pagsisiyasat, may nakapulupot pang nylon cord sa leeg ng biktima, habang ang mga kamay nito ay nakatali ng packaging tape sa likod, gayundin ang kanyang ulo.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing in­sidente.

vuukle comment

AYON

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DELA CRUZ

DIUMANO

QUEZON CITY

TANDANG SORA

WHITE ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with