^

Metro

P150-M ospital sa Malabon

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaroon na rin ng bagong pagamutan ang lungsod ng Malabon makaraang mapilitang maglabas ng P150 milyong pondo si Pangulong Benigno Aquino III matapos pagbigyan ang kahilingan ng pinsan na si Mayor Lenlen Oreta.

 Kamakailan, opisyal na pinangunahan ni Oreta at ni Congressman Jaye Lacson­ ang “ground­breaking cere­mony” sa itatayong tatlong palapag na bagong ospital sa tabi ng Malabon City Hall.

 Sinabi ni Oreta na nagbunga ang pangungulit niya sa pinsang si Aquino na nagawang makahanap ng pondo buhat sa Office of Civil Defense nang maawa umano ito matapos na makita na lumang-luma na ang Pagamutang Bayan ng Malabon.

 Nagpasalamat rin naman si Lacson sa Pangulo dahil sa wakas ay matutupad na ang dalangin ng mga taga-Malabon sa pagkakaroon ng bagong ospital na labis na makatutulong sa problemang pangkalusugan.

 Ikinuwento ni Lacson na dati na silang nagkasundo ni dating Mayor Tito Oreta na pagtutulungan nila na makapagtayo ng bagong ospital subalit hindi na naisakatuparan nang pumanaw ito.

Gayunpaman, nagpapasalamat siya kay Mayor Lenlen Oreta sa pagpapatuloy sa pangarap ng tiyuhin na naisakatuparan nito.

 

CONGRESSMAN JAYE LACSON

LACSON

MALABON

MALABON CITY HALL

MAYOR LENLEN ORETA

MAYOR TITO ORETA

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

ORETA

PAGAMUTANG BAYAN

PANGULONG BENIGNO AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with