Digital Speech Lab, E-Learning Center pinasinayaan sa Manila Science
MANILA, Philippines - Maihahanay na ang speech laboratory ng Manila Science High School sa mga paaralan at unibersidad sa ibang bansa.
Ito’y matapos na pangunahan nina Manila Mayor Joseph “Erap†Estrada at Vice Mayor Isko Moreno ang pagbubukas ng State of the Art Digital Language laboratory at E-Learning Center sa Manila Science High School noong Miyerkules.
Ang Speech Lab at E-Learning Center, ang kaÂuna-unahan sa lungsod na pakikinabangan ng may 1,000 estudyante ng nasaÂbing paaralan na mayroong Sanako language lab, Mimio Interactive toolbar and pad, Projector, 40 high-end laptops, desktop sa mga guro na nilagyan ng Science, English at Math interactive softwares.
Ayon kay Moreno, maÂpalad ang mga estudyante ngayon dahil moderno at kumpleto sa mga kagamitan ang kanilang pag-aaral.
Aniya, hindi niya maliÂlimutan ang kanyang karanasan nang siya ay nag-aaral pa lamang sa Tondo High School na kulang na kulang sa pasilidad. Gayunman, hindi umano ito naging hadlang upang ituloy niya ang kanyang mga pangarap sa buhay.
Lumaki si Moreno sa pagbabasura at pedicab driver kung saan pinagtaÂtawanan siya dahil hindi marunong magsalita ng Ingles na naÂging inspiÂrasyon naman niya upang magsikap.
Natapos ni Moreno ang kanyang kolehiyo at pumasok sa law school bukod pa sa pagkakaroon ng executive education certificate mula sa Harvard Kennedy School at University of Oxford.
“All the changes you see in Manila now is a proÂduct of our sincere desire to make the City a better place to live in and nothing is more important than investing in the youth of today because they will ultimately be the leaders of our nation,†pagtaÂtapos ni Moreno.
- Latest