^

Metro

Ipinagtanggol ang nanay, binata sinaksak ng kapitbahay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pagtatanggol sa kanyang ina, isang binata ang sinaksak ng kanyang kapitbahay sa Caloocan City kama­kalawa ng gabi.

Ginamot sa Caloocan Medical Center sanhi ng saksak ng icepick sa kanang kamao si Alejandro Argente, 30, habang black-eye naman ang inabot ng kanyang  inang si Manuela, 53, kapwa ng Rosa St., ng naturang lungsod.

Nakakulong naman ang suspek na si Rodolfo Artura Jr., 43; at kapit­bahay ng mag-ina.

Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente alas-9:30 ng gabi, nasa tapat ng kanilang bahay si Manuela nang lapitan ng lasing na suspek at kinompronta bago biglang sinapak.

Nang makita ni Alejandro ang pangyayari ay agad na sinaklolohan ang ina, subalit pumasok ng kanyang bahay ang suspek at paglabas ay may dalang icepick bago inun­dayan ng saksak ang una.

Nagawang maiwasan ni Alejandro ang icepick na tumusok sa kanang kamao hanggang sa maki­­pagbuno na inabutan ng mga rumespondeng mga tanod.

Inawat ang dalawang lalaki bago dinala si Alejandro sa naturang ospital habang sa presinto idiniretso si Artura.

 

vuukle comment

ALEJANDRO

ALEJANDRO ARGENTE

ARTURA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN MEDICAL CENTER

MANUELA

RODOLFO ARTURA JR.

ROSA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with