^

Metro

Binatilyo nasagasaan na, binaril pa; Pulis hinatulan ng 30-taon pagkabilanggo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinatulan ng Quezon City court ng 30-taon pagkabilanggo ang isang pulis matapos mapatunayang guilty sa kasong pagpatay sa 17-anyos na binatilyo  may 12- taon na ang nakalilipas.

Sa 17 pahinang desis­yon ni QC-RTC Branch 102 Judge Ma. Lourdes Giron pinagbabayad nito ang akusadong si SPO1 Geronimo Cestina na noo’y nakata­laga sa Station 4 ng QCPD ng P50,000 bilang civil indemnity, P44,058 bilang actual damages, P50,000 bilang  moral damages at P30,000 bilang  exemplary damages para sa mga naulila ng biktimang si Eduardo Riguer Jr. sa insidenteng naganap noong March 10, 2002.

Si Cestina ay positibong itinuro ng complainant  na si Gina Riguer, nanay ng biktima, na siyang bumaril at pumatay sa kanyang anak

Sa rekord ng korte,  sinabi ng saksi na isang Javie Gardon na matapos na siya ay nakawan ng kanyang bag ng hindi kilalang mga suspek, isang FX ang huminto sa tapat niya at pinasakay siya ng driver nito at nagsabing hahabulin nila ang mga kawatan.

Anya, ang driver ng FX ay ang akusadong pulis at habang sila ay nasa kahabaan ng Ilang-Ilang Street, sinabi ni Gardon  na nabangga ng pulis ang isang teenager na tumata­wid sa naturang lansangan.

Bumaba anya ng sasakyan si Cestina at saka pinagbabaril ang binatilyo na nalaunan ay nakilalang si Eduardo Riguer  na pino­sasan pa at saka itinapon sa loob ng sasakyan ni Cestina.

Ani Gardon, hindi umano si Riguer ang nagnakaw sa kanya.

vuukle comment

ANI GARDON

CESTINA

EDUARDO RIGUER

EDUARDO RIGUER JR.

GERONIMO CESTINA

GINA RIGUER

ILANG-ILANG STREET

JAVIE GARDON

JUDGE MA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with