^

Metro

2 sugatan sa sumabog na LPG

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa ang sugatan nang sumabog ang isang tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ginagamot ngayon sa San Juan De Dios Hospital ang mga biktimang sina Mirasol Vicente, 43, barbeque vendor at ang tauhan nitong si Excel Serdilla, 35, kapwa residente ng Riverside St., Tramo, Barangay 156 ng naturang lungsod. Nagtamo ang mga ito ng 2nd degree burn sa kamay at mukha.

Sa imbestigasyon, na­ganap ang insidente alas-11:00 ng gabi sa bahay ni Vicente. Nabatid na dumating sa bahay si Vicente mula sa pagtitinda nang mapuna ang nangangamoy na LPG sa ground floor ng kanilang tatlong palapag na tirahan.

Kaagad namang natukoy ng ginang ang singaw ng LPG na nagmumula sa ka­nilang single burner gas stove kaya’t isinara kaagad niya ang tangke at inayos ang pagkakalagay ng hose upang maiwasan ang pagsabog.

Makaraan ang ilang mi­nuto ay mag-iinit ng pagkain si Vicente dahil bigla itong nagutom at nang kanyang sindihan ang kalan ay bigla itong nagliyab at sumabog dahil may naipon pang LPG sa maliit na kusina. Dahil sa lakas ng pag­sabog ay tumilapon ang mga biktima na dali-daling isi­nugod sa  pagamutan.

DAHIL

DALAWA

EXCEL SERDILLA

GINAGAMOT

MIRASOL VICENTE

PASAY CITY

RIVERSIDE ST.

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL

VICENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with